
Heto na naman ako naghihintay
Naghihintay na makausap ka
Kahit saglit
At sa bawat sandaling
Kausap ka'y punong puno
Ng ligaya ang aking nadarama
Nadaramang tanging saiyo
Lamang nararandaman
Dahil sa bawat araw
Na di ka nakakausap ay
Ako'y nananabik na
Makausap kang muli
Muli mo na namang pasasayahin
Ang aking araw
Na puno ng kalungkutan
Kalungkutan dahil sa aking
Mga pangamba at pag aalinlangan
Pag aalilangan sa damdaming
Nadarama ko saiyo
At pangambang layuan mo ako

No comments:
Post a Comment