Pag-ibig nasok sa puso ninuman... gagawin ang lahat masunod ka lamang... yan ang madalas nating marinig ngunit ano nga ba talaga ang ibig sabihin ng salitang yan?????

Wednesday, October 15, 2008

Ano nga ba ang kahulugan ng pag-ibig?





Pag-ibig

Itoy dalawang salita o pitong letra ngunit
ayon sa ensiklopedya:

Ang pag-ibig ay maraming kahulugan mula sa ilang bagay na nagbibigay konting ligaya ("naibigan ang isang pelikula") hanggang sa pagbuwis ng buhay (pagkabayani). Maaari na isang masidhing damdamin ng pagtingin ang kahulugan nito, isang emosyon o nasa estado ng emosyon. Sa pangkaraniwang gamit, madalas na tumutukoy ito sa interpersonal na pagmamahal. Marahil sa malaking kaugnayan nito sa sikolohiya, karaniwang tema ito sa sining. Mayroong kuwentong pag-ibig ang karamihan sa modernong mga pelikula at tungkol din sa pag-ibig ang karamihan sa mga awiting sikat o pop music

Mga pagbanggit

Ayon sa aklat ni San Pablo sa kaniyang Unang sulat sa mga taga Corinto 13:4, ang pag-ibig ay:

"... ay matiyaga at mabait. Ang pag-ibig ay hindi naiinggit. Ang pag-ibig ay hindi pagmamapuri o nagmamataas. Ito ay hindi nag-uugali ng di-nararapat, hindi ito naghahangad ng sariling kapakinabangan, hindi madaling magalit at hindi nag-iisip ng masama. Hindi ito nagagalak sa kalikuan kundi nagagalak sa katotohanan. Ang pag-ibig ay nagtatakip ng lahat ng bagay. Ito ay naniniwala sa lahat ng bagay, umaasa sa lahat ng bagay, nagbabata sa lahat ng bagay. Ang pag-ibig ay hindi magwawakas..


Ito'y emosyon na nagtuturo sa ating magtiwala sa taong ating pinag alayan ng pag-ibig o pagmamahal. Nang dahil sa salitang ito natututo tayong makadama ng panibugho, galit at minsan ay nawawalan tayo ng tiwala dahil nagkamali tayo ng piniling iibigin o mamahalin.

Sabi nga ng iba ang pag-ibig ay napakahirap matutuhan dahil wala sa ating nagturo kung paano o ano ang gagawin. Dahil ito'y hindi naituro sa atin ng ating mga magulang at lalong hindi ito naituro ng ating mga guro sa paaralan. Ito'y kusang nadarama.

Ang magandang dulot sa atin ay ang pagiging masaya natin kapag alam nating iniibig o minamahal din tayo ng ating nililiyag.

Ito'y nakakapagbago sa mga mapaglaro ng damdamin kapag natagpuan nila ang kanilang tunay na iniibig. Lahat ay nagagawa nila upang magbago.


Marami sa atin ang nabubulagan sa pag-ibig dahil ito'y napakalakas na emosyon na minsan ay ikababaliw ng mga taong umiibig o nagmamahal dahil sa sobrang pagmamahal o pag ibig nila. Ang iba nama'y nagpapakamatay upang mapatunayan sa kanilang minamahal ang salitang ito.

Yan ay ilang masamang halimbawa na naidudulot sa atin ng salitang pag-ibig o pagmamahal.


Ang iba nama'y kusa na lamang itong nararamdaman at di nila inaasahan na ang lalake o babaeng ito ay laman na pala ng kanilang puso't isipan. .
At huli na upang malaman nila ang tunay na damdamin.


Minsan naman ay di natin naiiwasang mahalin o ibigin natin ang ating kaibigan ng higit pa sa pagiging kaibigan. Kaya natatakot tayong aminin sa kanila ang damdaming ating nadarama dahil natatakot tayong masira ang ating magandang pagkakaibigan o samahan.
Nagiging duwag tayong aminin sa kanila kung ano ang ating tunay na nadarama.
Kaya't kinakalimutan natin ang ating pansariling damdamin para sa kanya.



---------------------------------------------------
Minsan inihahalintulad ang pag-ibig sa :


*** Spring season is the season for fallen inlove. It's because of the warm that we feel in our heart for someone special to us. Like fx to our friend or someone we just know and suddenly we fall for that person. You/I begin to make a dream with his/her.

*** Fall season is the season of breaking up. It's because all of the trust we have for that special person suddenly gone. All of the hope, love and all the feeling disappear. Nothing more left just only the love that you have for your own self.




No comments: