On my mind and
It's only you who
I am longing for
Please tell me that you
Do love me as a friend
And care for me
I am not asking you more
And I don't expect anything from you
It's enough for me that you're there
Even just a friend
Pag-ibig nasok sa puso ninuman... gagawin ang lahat masunod ka lamang... yan ang madalas nating marinig ngunit ano nga ba talaga ang ibig sabihin ng salitang yan?????



Ang pag-ibig ay maraming kahulugan mula sa ilang bagay na nagbibigay konting ligaya ("naibigan ang isang pelikula") hanggang sa pagbuwis ng buhay (pagkabayani). Maaari na isang masidhing damdamin ng pagtingin ang kahulugan nito, isang emosyon o nasa estado ng emosyon. Sa pangkaraniwang gamit, madalas na tumutukoy ito sa interpersonal na pagmamahal. Marahil sa malaking kaugnayan nito sa sikolohiya, karaniwang tema ito sa sining. Mayroong kuwentong pag-ibig ang karamihan sa modernong mga pelikula at tungkol din sa pag-ibig ang karamihan sa mga awiting sikat o pop music
Ayon sa aklat ni San Pablo sa kaniyang Unang sulat sa mga taga Corinto 13:4, ang pag-ibig ay:
"... ay matiyaga at mabait. Ang pag-ibig ay hindi naiinggit. Ang pag-ibig ay hindi pagmamapuri o nagmamataas. Ito ay hindi nag-uugali ng di-nararapat, hindi ito naghahangad ng sariling kapakinabangan, hindi madaling magalit at hindi nag-iisip ng masama. Hindi ito nagagalak sa kalikuan kundi nagagalak sa katotohanan. Ang pag-ibig ay nagtatakip ng lahat ng bagay. Ito ay naniniwala sa lahat ng bagay, umaasa sa lahat ng bagay, nagbabata sa lahat ng bagay. Ang pag-ibig ay hindi magwawakas..
Ito'y emosyon na nagtuturo sa ating magtiwala sa taong ating pinag alayan ng pag-ibig o pagmamahal. Nang dahil sa salitang ito natututo tayong makadama ng panibugho, galit at minsan ay nawawalan tayo ng tiwala dahil nagkamali tayo ng piniling iibigin o mamahalin.
Sabi nga ng iba ang pag-ibig ay napakahirap matutuhan dahil wala sa ating nagturo kung paano o ano ang gagawin. Dahil ito'y hindi naituro sa atin ng ating mga magulang at lalong hindi ito naituro ng ating mga guro sa paaralan. Ito'y kusang nadarama.
Ang magandang dulot sa atin ay ang pagiging masaya natin kapag alam nating iniibig o minamahal din tayo ng ating nililiyag.
Ito'y nakakapagbago sa mga mapaglaro ng damdamin kapag natagpuan nila ang kanilang tunay na iniibig. Lahat ay nagagawa nila upang magbago.
Marami sa atin ang nabubulagan sa pag-ibig dahil ito'y napakalakas na emosyon na minsan ay ikababaliw ng mga taong umiibig o nagmamahal dahil sa sobrang pagmamahal o pag ibig nila. Ang iba nama'y nagpapakamatay upang mapatunayan sa kanilang minamahal ang salitang ito.
Yan ay ilang masamang halimbawa na naidudulot sa atin ng salitang pag-ibig o pagmamahal.
At huli na upang malaman nila ang tunay na damdamin.
Nagiging duwag tayong aminin sa kanila kung ano ang ating tunay na nadarama.Kaya't kinakalimutan natin ang ating pansariling damdamin para sa kanya.